Sa report na ipinalabas ni Isabela Police Director Colonel Mariano Rodriguez, narekober kahapon ng awtoridad ang mga bangkay nina Rosendo Talub sa Barangay Bayabo East habang sa Brgy. Lanna naman si Dominador Bacani na magkahiwalay na tinangay ng baha sa bayan ng Tumauini dulot ng pag­laki ng Cagayan river.
STAR/Raymund Catindig
Flashflood sa Isabela: 2 utas, 7 libo inilikas
Raymund Catindig (Pang-masa) - December 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-iwan ng dalawang patay, isang nawawala na pinaniniwalaang nalunod at 7,811 kataong inilikas ang nagdaang flashfloods dulot ng amihan sa Isabela noong Huwebes.

Sa report na ipinalabas ni Isabela Police Director Colonel Mariano Rodriguez, narekober kahapon ng awtoridad ang mga bangkay nina Rosendo Talub sa Barangay Bayabo East habang sa Brgy. Lanna naman si Dominador Bacani na magkahiwalay na tinangay ng baha sa bayan ng Tumauini dulot ng pag­laki ng Cagayan river.

Ayon sa report, nila­mon ng tubig baha ang mga biktima nang magpumilit na magpunta sa highway upang bumiyahe sa kasad­saran ng delubyo.

Samantala, pinagha­hanap pa rin si Hilario Bersamin na hindi na nakita pa matapos magtungo sa kanyang bahay na lubog sa baha upang magligtas ng gamit sa Barangay Sto. Tomas, Ilagan City.

Kinupkop naman ng awtoridad ang mga nagsipaglikas sa baha sa 462 evacuation centers kung saan nanalasa ang flash floods sa 12 munisipalidad at dalawang Lungsod kabilang ang kabisera ng Ilagan City.

Lumaki ang Caga­yan River na nagdulot ng pagbaha matapos umagos pababa ang tubig ulan mula sa kinalbong kabundukan ng Sierra Madre kasunod ng dalawang araw na walang puknat na buhos ng ulan sa lalawigan.

Dahil dito, 18 na overflow bridges at apat na kalsada ang lumubog at hindi nadaanan.

FLASHFLOODS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with