Paslit todas, 1 grabe sa sunog
Tony Sandoval, Joy Cantos (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 4-anyos na batang babae ang nasawi habang nasa malubha namang kalagayan ang bina­tilyong pinsan nito matapos na masunog ang kani­lang bahay sa Brgy. Ibabang Palale, Tayabas City, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Jusly Jane Jaspe,  anak ng may-ari ng bahay kung saan halos hindi na makilala ang bata sanhi ng grabeng pagkasunog ng katawan nito. Habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang pinsan nitong si Jerome Salazar, 13.

Sa ulat ng Quezon Police, dakong alas-11:00 ng gabi nang masunog ang bahay ni Jay Ar Jaspe, 40, na kung saan ay natutulog noon ang bata sa loob ng silid nito nang lamunin ng apoy.

Nabigo namang mailigtas ang bata dahil naba­balutan na ng apoy ang buong kabahayan.

Agad namang isinugod ang binatilyo sa paga­mutan matapos na magtamo ng matinding paso sa kanang hita upang malapatan ng lunas.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with