Sayyaf ambush: 3 pulis, 1 pa sugatan
Joy Cantos (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sugatan ang tatlong pulis at isang tauhan ng Barangay Police Action Team (BPAT) matapos tambangan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay AFP-Westmincom Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, bandang alas-6:50 ng gabi nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Jolo-Taglibi Road sa Brgy. Buhanginan, Patikul ng lalawigan.

Sinabi ni Sobejana na lulan ng patrol car ang apat na pulis ng Patikul Municipal Police Station (MPS) kasama ang isang miyembro ng BPAT patungong kapitolyo ng Jolo nang pagsapit sa lugar ay pinaulanan ng bala ng tinatayang pitong armadong miyembro ng Abu Sayyaf.

Sa kabila ng sorpresang pag-atake ay mabilis namang gumanti ng putok ang mga pulis na tumagal ng limang minuto bago nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Kinilala naman ang mga sugatang pulis na sina Police Chief Master Sergeant Abdulmuldz Sali Ma­rajani, Police Master Sergeant Adil Ahandain Sa­lamat, Police Corporal Halkim Ahadin Ibno, at ang BPAT member na si Nurhan Ali.

Patuloy naman ang isinasagawang opensiba ng tropa ng militar laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Sulu.

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with