Sa ngayon aniya ay may garantiya na ang mga mahihirap na maysakit na may kakalinga at mag­ma­malasakit sa kanila.
Boy Santos/File
Sen. Go, tiniyak ang de-kalidad na healthcare
(Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magkakaroon na ngayon ng accessible at de­kalidad na healthcare ang bawat isang Pilipino makaraang maipasa at pirmahan ng Pangulong Rod­rigo Duterte at maging ganap na batas ang Malasakit Center Act of 2019.

Ito ang inihayag ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, na siyang chairman ng Senate Committee on Health at nagsulong ng Malasakit Center Act at taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya para maging ganap na batas ang kan­yang panukala.

Sa ngayon aniya ay may garantiya na ang mga mahihirap na maysakit na may kakalinga at mag­ma­malasakit sa kanila.

“Ang atin lang dito, meron na tayong batas. Kung ano ang makatutulong sa taumbayan, iba­balik lang natin sa kanila ang serbisyo,” pahayag pa ni Go.

Sa ngayon, sa halip na magtungo sa iba’t ibang government offices ang mga mahihirap na maysakit ay magpunta na lamang sila sa “one stop shop­” na Malasakit Center na nasa iba’t ibang pam­­publikong pagamutan at sila ay tutulungan ng mga tauhan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Department of Health (DOH), De­­partment of Social Welfare and Development (DSWD), at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“Ang target nito, zero balance. Basta ikaw ay Pilipino, qualified ka. Meron din itong express lane para sa mga senior citizens at people with disabilities (PWDs),” sabi pa ni Sen. Go.

ROD­RIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with