Ayon sa datos ng PDRRMC at APSEMO, sa imprastraktura gaya ng tulay, kalsada, dike, canal, schoolbuilding, hospital, mga parke, water facility, streetlight, rural health unit building, public market at iba pa ay umabot ang danyos sa P1,063,354,866 mil­yon. Habang sa danyos sa panananim o agrikultura tulad ng palay, mais at gulay ay uma­bot sa P310,899,590 milyon.
AFP/Simvale Sayat
P1.3-B danyos ni Tisoy sa Albay
Jorge Hallare (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) na umabot na sa P1.374 bilyon ang naitalang inisyal na danyos sa buong lalawigan ng Albay dahil sa bagyong Tisoy.

Ayon sa datos ng PDRRMC at APSEMO, sa imprastraktura gaya ng tulay, kalsada,  dike, canal, schoolbuilding, hospital, mga parke, water facility, streetlight, rural health unit building, public market at iba pa ay umabot ang danyos sa P1,063,354,866 mil­yon. Habang sa danyos sa panananim o agrikultura tulad ng palay, mais at gulay ay uma­bot sa P310,899,590 milyon.

Sinabi ni Cedric Daep, hepe ng Albay Provincial Safety and Emergency Management Office (APSEMO) at operatiom officer ng PDRRMC, ang nasabing danyos ay mula sa mga bayan ng Sto.Domingo,Camalig, Manito, Guinobatan, Jovellar, Malinao, Legazpi City, Bacacay, Libon, Oas, Rapu-Rapu, Daraga at Tiwi habang hinihintay pa nila ang report ng Ligao City, Malilipot, at Polangui kaya malaki ang posibilidad na tumaas pa ang damaged report sa buong lalawigan.

BAGYONG TISOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with