Lady drug pusher tiklo sa P3.2-M shabu
Joy Cantos (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang High Value Target (HVT) na babaeng drug pusher ang nadakip ng mga otoridad sa isang buy-bust operation at nakumpiska rito ang nasa P3.2-M halaga ng shabu sa Brgy. 3, Bacolod City, Negros Occidental, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si Arlene Arnaiz, 26, dalaga at residente ng Purok Tilapia, Brgy. 3 ng lungsod na ito.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 6, bago naaresto ang suspek bandang alas- 6:50 ng gabi sa Purok Liso, Brgy. 3 ay isinailalim ito sa masusing surveillance operation bago isinagawa ang drug buy-bust operation nang nakipag-deal ang poseur buyer sa suspek na bibili ng droga at inaresto ito sa aktong iniaabot ang isang malaking plastic sachet na naglalaman ng shabu.

ILLIGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with