Binigyang diin ni Lorenzana na panahon na para manumbalik sa normal ang sitwasyon sa Mindanao upang makaakit ng mga investors at isulong ang pag-unlad.
Martial law sa Mindanao ‘wag nang palawigin - DND chief
Joy Cantos (Pang-masa) - December 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa gitna na rin ng bumubuting sitwasyon ng peace and order sa Min­danao ay inirekomenda na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ng palawigin pa ang martial law sa rehiyon matapos ang mahigit dalawang taon.

Binigyang diin ni Lorenzana na panahon na para manumbalik sa normal ang sitwasyon sa Mindanao upang makaakit ng mga investors at isulong ang pag-unlad.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na ang pagpapalawig muli ng martial law sa buong rehiyon ay depende sa magi­ging assessment ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Ayon sa Kalihim, ang rekomendasyon ay base sa assessment ng militar at pulisya na tiniyak na nakamit na nila ang misyon.

Magugunita na ang buong Mindanao ay isinailalim sa martial law matapos ang paghahasik ng terorismo ng Maute –Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa lungsod ng Marawi noong Nobyembre 23, 2017 kung saan napalawig ito ng ilang beses.

MARTIAL LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with