Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, isang palabas ng pagkakaisa ng mga Pilipino ang opening night dahil dumagsa ang mga manonood nito mula sa iba’t ibang estado ng buhay at iba’t ibang grupong politikal upang suportahan ang mga atletang Pinoy.
Joey Mendoza
Paghakot ng ginto ng mga atleta ikinatuwa ni Duterte
Rudy Andal (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Doble ang na­ging kagalakan ni Pa­ngulong Rod­rigo Duterte na ang una ay magandang ope­ning night ng South East Asian Games noong Sabado at ikalawa ay ang paghataw ng mga atletang Pinoy na sa unang araw ng paligsahan ay nasa 25 gold me­dals na agad ang nakuha.

Kabilang sa pinapurihan ng Pangulo ang organizers, performers at volunteers sa pagtatanghal ng opening ceremony ng SEA Games na kauna-unahang ginanap sa isang dambuhalang indoor stadium.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, isang palabas ng pagkakaisa ng mga Pilipino ang opening night dahil dumagsa ang mga manonood nito mula sa iba’t ibang estado ng buhay at iba’t ibang grupong politikal upang suportahan ang mga atletang Pinoy.

Tinukoy ng Palasyo ang saya at ingay ng mga manonood nang pumarada na sa entablado ang koponan ng Pilipinas sa saliw na tugtog na ‘Manila’.

Kinilala rin nito ang presensya ng walong sporting legends na sina Bong Coo, Alvin Patrimonio, Lydia de Vega, Eric Buhain, Akiko Thompson, Paeng Nepomuceno, Onyok Velasco at Efren ‘Bata’ Reyes.

Hindi rin pinalampas ng sikat na The Strait Times ng Singapore ang opening ceremony at inilathala sa kanilang pahayagan na dalawang oras lang ang katapat upang mabura ang mga negatibo at mapanirang balita na ibinato sa 30th SEA Games sa nagdaang ilang araw.

Humataw naman ng todo sa kanilang mga events ang koponan ng Pilipinas na nakapagtala na agad ng 25 gintong medalya sa unang araw  pa lamang ng SEA Games at patuloy na ito ay nadadagdagan.

Inaasahan ng mga organizers at sports officials ng Pilipinas na makokopo ng ating bansa ang over all championship sa 30th SEA Games.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with