Kabilang sa nasa shortlist na isinumite ni DILG Sec. Eduardo Año bilang susunod na PNP chief ay sina Officer-in-Charge PLTGen Archie Gamboa, chief of Directorial Staff Maj. Gen. Guillermo Eleazar at Deputy Chief for Ope­rations Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan.
Presidential photo/Alfred Frias
Duterte hanap ang next PNP chief na uubos sa drug lords
Rudy Andal (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pipiliin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na PNP Chief ay iyong masisiguro sa kanya na kayang ubusin ang mga drug lords sa bansa.

“It is not enough that you recommend to me. Kung sabihin mo, ‘Sir, pag ako ang pinili mo, patay lahat ng drug lords, patay lahat ng…’ ‘Ok, ikaw’. If you cant give me that guarantee, e ayaw na,” sabi ni Pangulong Duterte sa panayam ng Unang Hirit.

Aniya, lahat ng nirekomenda sa kanya na magiging kapalit ng nag­retirong si PNP chief Oscar Albayalde ay magagaling, subalit may hinahanap siyang kata­ngian na magsisigurong kayang ubusin ang mga drug lords sa bansa.

“Hirap ako sa pulis. mahal ko ang mga pulis ko. Pero hirap ako sa mga opisyal,” wika pa ng Pa­ngulo sa GMA morning show na “Unang Hirit.”

Kabilang sa nasa shortlist na isinumite ni DILG Sec. Eduardo Año bilang susunod na PNP chief ay sina Officer-in-Charge PLTGen Archie Gamboa, chief of Directorial Staff Maj. Gen. Guillermo Eleazar at Deputy Chief for Ope­rations Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan.

Nagpahayag ang Pa­ngulong Duterte na habang wala pa siyang napipili na PNP chief ay siya muna ang mamumuno sa pulisya.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with