Binabaklas ng mga Coast guard volunteers ang mga tent at stage na ginagamit sa SEA Games surfing tournament sa San Juan, La Union na kasama sa tatamaan ng bagyong Tisoy. Pansamantala munang ititigil ang palaro.
Andy Zapata Jr.
212,254 katao inilikas sa Bicol Region
Rudy Andal, Joy Cantos (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

Pagtama ng bagyong Tisoy...

MANILA, Philippines — Inilikas sa Bicol Region ang nasa 212,254 ka­tao kaugnay ng pagtama ng bagyong Tisoy sa Luzon at Visayas Region na kung saan isa na ang nasawi.

Sa ulat ng Office of Ci­vil Defense (OCD) Region V at Bicol Police, kabilang sa mga inilikas ay nasa 108,168 katao sa lalawigan ng Albay; Catanduanes  na nasa 25,593 katao; Camarines Norte, 13,228; Camarines Sur, 53,984; Masbate, 1,938; Sorsogon, 7,531 at Naga City na nasa 1,812 namang katao.

Ilan sa mga lugar ng venue ng SEA Games ay apektado rin ng bagyong Tisoy kaya kinansela muna ang ilang sports event.

Ang bagyong Tisoy ay nagbabantang tumama at magdulot ng matinding epekto sa ilang bahagi ng Luzon.

Nasa mahigit 5,000 namang mga pasahero ang istranded sa mga pantalan ng Bicol Region at maging sa Visayas Region dulot ng masamang lagay ng panahon.

Pinaghahanda naman ng Malacañang ang mga posibleng maapektuhan ni ‘Tisoy’ kaya’t naka-24/7 stand by mode na ang mga ahensiya ng pamahalaang may kinalaman sa disaster and relief operations.

Hawak na rin ng DSWD ang may P2 bil­yong stand by funds na magagamit para sa anumang kakailanganin sa pagtama ng kalamidad.

BAGYONG TISOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with