PHISGOC: walang iregularidad ang ginastos sa SEAG
Gemma Garcia (Pang-masa) - November 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maayos at sumusunod sa mga patakaran ng Commission on Audit (COA) sa bawat pisong ginastos para sa hosting ng Pilipinas sa Southeast Asian Games. 

Ito ang tiniyak ni Ramon Suzara, chief opera-ting officer ng  Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) kaya’t mali ang ginawang pagkukumpara   ni Sen. Panfilo Lacson sa paraan ng paggamit ng pondo sa SEA Games sa ginawa ni Janet Napoles sa pork barrel scandal kung saan ginamit ang mga private foundations para maisaga-wa ang scam.

Magugunita na sinabi ni Lacson na ang paglipat ng P1.5 billion public funds sa PHISGOC na isang private foundation ay walang pinag-iba sa pork barrel scam ni Napoles. 

Hinikayat ni Suzara si Sen. Lacson na bisitahin kahit anong oras ang mga world class facilities at iba pang kagamitan sa SEA Games para makita nito kung paano maayos na nagamit ang pondo ng gobyerno para sa SEA Games. Anya, isang private foundation ang PHISGOC, 80 percent ng mga miyembro nito ay galing sa gobyerno na may sapat na representasyon ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POV) sa PHISGOC.

Sinabi pa ni Suzara   nang humarap noon si Speaker Alan Peter Caye-t­ano bilang chairman PHISGOC sa Senado ay nakapagbigay ito ng breakdown ng sinasabi ni Lac- son na P1.5 billion fund. 

Si Lacson din mismo ang nagsabi na tiniyak naman ni Cayetano sa mga senador na kinonsulta ang COA sa bawat hakbang na ginawa ng PHISGOC ukol sa paggamit sa pondo. 

Pinaalala rin ni Suzara kay Lacson na naantala ang pagpasa noon ng 2019 national budget, kung saan nakalatag ang pondo para sa SEA Games.

COA SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with