^

Police Metro

BuCor officer itinumba sa gate ng Bilibid

Danilo Garcia - Pang-masa
BuCor officer itinumba sa gate ng Bilibid
Ang nasawi ay kinila­lang si Correction Officer 1 Porferio Bergula, naka­talaga sa Medium Security Compound ng NBP.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo malapit sa gate ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinila­lang si Correction Officer 1 Porferio Bergula, naka­talaga sa Medium Security Compound ng NBP.

Bago nangyari ang pamamaslang sa biktima, alas-10:00 ng umaga sa tapat ng isang kainan na may 400 metro sa entrance gate ng NBP ay nakatayo ang biktima na kagagaling lang sa isang remittance outlet matapos magpadala ng pera sa pamilya.

Ilang sandali ay dumating ang isang motorsiklo sakay ang dalawang lalaki na bigla lang pinagbabaril nang malapitan ang biktima. 

Nang bumulagta ang biktima ay humarurot patakas sakay ng motorsiklo ang mga suspek habang ang una ay mabilis na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ngunit hindi na siya umabot ng buhay dahil sa apat na tama ng bala.

Ayon kay BuCor spokesman Major Alberto Tapiru na blangko pa sila sa motibo sa pamamas­lang sa biktima na iimbes­tigahan ng Muntinlupa City Police.

BUREAU OF CORRECTIONS

NEW BILIBID PRISONS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with