Puting van, pulang kotse nag-iikotâ¦SK chairman, 6 pa âdinukotâ sa Pasay
Sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na isang Task Force na ang binubuo ng Pasay City Govenment, Pasay City Police, at mga pinuno ng barangay sa lugar.
Emi Calixto-Rubiano Facebook page
Puting van, pulang kotse nag-iikot…SK chairman, 6 pa ‘dinukot’ sa Pasay
Danilo Garcia (Pang-masa) - November 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman at anim pang kabataan ang kinumpirma kahapon ng lokal na pamahalaan ng Pasay City at Pasay City Police na ‘missing’ sa magkakahiwalay na lugar sa siyudad.

Sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na isang Task Force na ang binubuo ng Pasay City Govenment, Pasay City Police, at mga pinuno ng barangay sa lugar.

Apat sa mga dinukot ay sa FB Harrison St., isa sa ML Dela Cruz, isa sa Tramo, isa sa EDSA at isa sa Buendia.  May edad 15 anyos hanggang 22-taong gulang ang mga kabataang umano’y dinukot bagama’t hindi pa pormal na idinideklara na mga kaso ito ng “abduction” ngunit mga “missing persons” lamang.

Iba-iba umano ang pagkatao ng mga sinasabing nadukot na mga kabataan. Ilan sa mga ito ay may mga trabaho, ang iba ay wala, habang nag-aaral ang iba pa.

Sinabi ni Pasay City Police chief, PCol Bernard Yang na natukoy na nila ang isang puting Hi-Ace van at isang pulang sedan na kotse na nakunan ng footage ng CCTV na hinihinalang gamit sa pagdukot. Tumanggi si Yang na tukuyin ang plaka ng mga ito habang may operasyon na silang ikinasa para puntahan ang address ng isa sa mga kotse na natukoy.

Patuloy na blangko naman ang mga pulis sa pinal na motibo sa sinasabing mga pagdukot. Nakausap na umano nila ang mga magulang ng mga nawawala at muling isasailalim sa mas masusing imbestigasyon para malaman ang background nila at ng mga anak kasabay ng mga usap-usapan na maaaring may kinalaman sa iligal na droga ang mga insidente.

Naglabas na rin si Mayor Calixto-Rubiano ng memorandum order sa mga barangay chairman sa lungsod para mas paigtingin ang seguridad sa kanilang nasasakupan.

Maaari umanong tumawag ang publiko para mag-ulat ng mga nagaganap na krimen o kahina-hinalang tao sa Pasay City Police Hotline nos. 8831-1544 at 0998-9674527 o sa Office of the Mayor sa telepono bilang 7758-5746 at 0917-8672263.

EMI CALIXTO-RUBIANO SANGGUNIANG KABATAAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with