Rider, angkas utas sa nakaparadang trak
Cristina Timbang (Pang-masa) - November 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nayupi na parang lata ang isang motorsiklo nang ito ay sumalpok sa nakaparadang trak na ikinasawi ng rider at angkas nito habang buma­bagtas sa kahabaan ng C.M. Delos Reyes Ave. Brgy. Javalera, Gene­ral Trias City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang rider na si Jeremy T. Lamsen, 25, factory worker, ng Brgy. Poblacion, Muntinlupa City, habang inaalam pa ang pangalan ng angkas na isa ring factory worker.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng trak na si Veto Baldemor, 39, may-asawa, residente ng Gozon Compound, Malabon City.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang aksidente, alas-7:00 ng gabi ay magkaangkas ang dalawang biktima sa Yamaha Mio na minamaneho ni  Lamsen at bumabagtas sa nasabing lugar.

Pagdating sa tapat ng Gateway Business Park na may pakurbang kalsada ay hindi na nakapagmenor ang mga ito at tuluy-tuloy na sumalpok sa napakaparadang trak sa gilid ng kalsada na ikinasawi ng mga biktima.

AKSIDENTE MOTOR PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with