Una rito, ipinag-utos ni PNP Office-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gam­boa ang pag-aresto sa mga gumagamit ng vape o electronic cigarette dahi­lan sa masama ang epekto nito sa kalusugan.
The STAR/Russell Palma
Binata dinakip sa pag-vape
Joy Cantos (Pang-masa) - November 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga ope­ratiba ng pulisya ang isang 21-anyos na binata nang mahuling gumagamit ng vape o electronic ciga­rette sa isang pampublikong lugar sa kahabaan ng Que­­zon Avenue, Brgy. 1, Lucena City, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasakoteng suspect na si Joseph Bobis Victucio, ng Lot 22, Block 11, West Employee Village, Brgy. Gulang-Gu­lang ng lungsod.

Una rito, ipinag-utos ni PNP Office-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gam­boa ang pag-aresto sa mga gumagamit ng vape o electronic cigarette dahi­lan sa masama ang epekto nito sa kalusugan.

Matapos namang ma­iproseso sa himpilan ng pulisya tulad ng pag-blotter ay agad ding pinakawalan ng mga operatiba ang nasabing pasaway na binata pero kinumpiska ang vape nito.

Hinihintay naman ng PNP ang panibagong exe­cutive order na iisyu ng palasyo ng Malacañang upang maaresto at maikulong ang mga lalabag sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

VAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with