Duterte maglalabas na ng EO sa vape smokers
MANILA, Philippines — Nakatakdang maglabas anumang oras ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa paggamit ng vape o electronic cigarette.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año matapos ang paglulunsad ng Disiplina Muna campaign sa lungsod ng Marikina.
Ayon kay Año, ang EO ay upang may panghawakang regulasyon sa paggamit ng vape kaugnay ng pagpapataw ng kaparusahan sa mga lalabag dito.
Sa oras na nakapag-isyu ng EO si Pangulong Duterte ay agad maglalabas ng memorandum ang DILG laban sa paggamit at pagbebenta ng vape.
- Latest