Kinilala ang nasawing si P/Col. Joie Yape Jr., nakatalaga sa Philippine National Police–Internal Affairs Service (PNP-IAS) Camp Crame.
File
Pulis opisyal todas sa ambush
Joy Cantos (Pang-masa) - November 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Idineklarang dead on arrival ang isang 49-anyos na police colonel nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa Cebu City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing si P/Col. Joie Yape Jr., nakatalaga sa Philippine National Police–Internal Affairs Service (PNP-IAS) Camp Crame.

Ang PNP-IAS ay ang tanggapan na panguna­hing nag-iimbestiga at nagrerekomenda ng dismissal sa serbisyo ng mga pulis na nasasangkot sa katiwalian.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen, alas -5:35 ng hapon ay kalalabas lang ng biktima at misis nito sa kanilang hotel sa Trillium Residences kung saan sila pansaman­ta­lang nanunuluyan at habang naglalakad sa kahabaan ng Molave St., Brgy. Ka­puthaw, Cebu City ma­lapit lamang sa Ayala Mall.

Bigla na lamang huminto sa tapat ng biktima ang isang kulay itim na scooter na sinasakyan ng riding in tandem saka pinagbabaril ang una.

Duguang bumulagta ang biktima habang mabilis namang tumakas pa­tungo sa direksyon ng Escario Street ang mga salarin na pawang nakasuot ng helmet.

AMBUSH JOIE YAPE JR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with