^

Police Metro

Tatay pinatay ng 8-anyos na anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umano nakayanan ng isang 8-anyos na batang lalaki ang pagiging umbagerong ama kaya’t ito ay kanyang barilin at mapatay, kamakalawa ng gabi sa kanilang bahay sa Brgy. San Jose, Sipalay City, Negros Occidental.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa tat­long tama ng bala ng kalibre 38 sa dibdib ay kinila­lang si Jessy Obas, 39.

Itinago naman ang bata sa pangalang Jonjon, dahil isa itong menor de edad.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen bandang alas-8:30 ng gabi sa bahay ng pamilya sa Sitio Manluya, Brgy. San Jose ng lungsod ay umuwing lasing ang biktima sa bahay at agad na tinad­yakan sa mukha si Jonjon na isinalya pa sa dingding habang minumura.

Hindi na umano naka­pagtimpi si Jonjon ka­ya’t sa sobrang galit ay kinuha ang nakatagong cal. 38 caliber revolver ng ama at pinaputukan ito sa dibdib ng tatlong beses na nasaksihan ng dalawa nitong menor de edad na kapatid.

Nabatid pa na ang na­sabing tatay ang siyang­ nagtuturo sa bunsong anak kung paano huma­wak at magpaputok ng baril sa kabila ng pagi­ging musmos nito.

Ang ina ng mga bata ay nagtatrabaho sa Maynila kung saan naiiwan ang mga ito sa pangangalaga ng kanilang umbagero at lasenggerong ama.

Isinailalim na sa kus­todya ng Department of Social Welfare and Deve­lopment sa lungsod ng Sipa­lay ang bata.

vuukle comment

BARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with