^

Police Metro

Malacañang kay Aquino: ’Wag nang makisawsaw sa isyu ni VP Robredo

Rudy Andal - Pang-masa
Malacañang kay Aquino: �Wag nang makisawsaw sa isyu ni VP Robredo
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, mas maigi marahil sa dating chief executive kung ang pagtuunan na lamang nito ng pansin ay ang kinakaharap na kaso nito sa Sandiganbayan at huwag ng makihalo sa usaping may kinalaman sa problema sa iligal na droga.
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Kaysa makisawsaw sa isyu ng kinasasangkutan ni Vice President Leni Robredo ay mas marami pang dapat na atupagin si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ang naging reaksiyon ng Malacañang sa naging pahayag ng dating­ Pangulo na nagsabing bakit pa itinalaga si Robredo bilang co-chair ng ICAD  kung hindi rin pala ito pagtitiwalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, mas maigi marahil sa dating chief executive kung ang pagtuunan na lamang nito ng pansin ay ang kinakaharap na kaso nito sa Sandiganbayan at huwag ng makihalo sa usaping may kinalaman sa problema sa iligal na droga.

Mistulang  nalilimutan­ na umano ng dating Pa­ngulo na sa kanyang administrasyon lumala ang problema sa ipinagbaba­wal na gamot at ito ay bunga na rin ng kawalang atensiyong iniukol nito sa naturang suliranin.

Bukod sa mga asuntong kinakaharap, idinagdag ni Panelo na  mabu­ting pag-ukulan na lang din ng atensiyon ni Aquino ang kanyang kalusugan.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with