^

Police Metro

Nadakip na vape smokers ‘di muna ikukulong – PNP

Joy Cantos - Pang-masa
Nadakip na vape smokers �di muna ikukulong � PNP
Ayon kay Gamboa ay tanging ang Executive Order No. 26 na nagbabawal sa pagsisigarilyo sa mga pam­publikong lugar ang kanilang tanging pinanghahawakan.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge (OIC) Police Lt. Colonel Archie Gamboa na aarestuhin, subali’t hindi muna ikukulong ang mga mahuhuling gumagamit ng vape at electronic cigarette sa pampublikong lugar.

Ayon kay Gamboa ay tanging ang Executive Order No. 26 na nagbabawal sa pagsisigarilyo sa mga pam­publikong lugar ang kanilang tanging pinanghahawakan.

Ipinaliwanag ni Gamboa na kung walang bagong EO laban sa paggamit ng vape at electronic cigarettes  ay maaring manghuli ang mga pulis pero hindi mapa­parusahan ang mga  pasaway na indibidwal.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na ipapa-ban niya ang importasyon ng mga vape at electronic cigarettes dahilan sa peligroso ito sa kalusugan kung saan ay ipinaaresto nito sa PNP ang sinuman na mahuhuling nagbi-vaping.

Binigyang diin ni Gamboa na kahit wala pang bagong EO laban sa paggamit ng vape at electronic cigarettes ay may kapangyarihan ang PNP na manghuli ng mga pasa­way na indibidwal dahilan sa binibigyang protek­syon lamang nila ang kalusugan ng publiko.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with