^

Police Metro

PRRD makikialam kapag nagkaproblema sa speakership term sharing

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang resolbahin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling magkaroon ng problema sa napagkasunduang term sharing sa speakership nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Sinabi ng Pangulo na magiging problema kung hindi igagalang ni Caye­tano ang term sharing agreement.

Una nang nagpahiwatig ang mga kaalyado ni Cayetano na dahil sa mataas na ratings ng speaker ay mas susuportahan nila itong manati­ling lider ng Kamara.

Magugunitang sina Cayetano, Velasco, at Leyte Rep. Martin Romualdez ay nagpahayag noon ng kagustuhang maging speaker hanggang mamagitan ang Pa­ngulo at nabuo ang term-sharing sa pagitan nina Cayetano at Velasco kung saan sa unang 15 buwan si Cayetano habang ang nalalabing 21 buwan sa 18th Congress naman ay para kay Velasco habang si Romualdez ang magi­ging majority leader.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with