Ang mga nasawi ay kinilalang sina 2nd Lt. Charlie Cabanog, Staff Sergeant Crisostomo Gabuay, Staff Sergeant Sherwin Antonio at Staff Sergeant Rommel Ombrog, pawang ng Army’s 8th Infantry Division (ID).
4 sundalo todas sa road mishap
Joy Cantos (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang apat na sundalo habang pito ang nasugatan nang suwagin ng humahagibis na wing-van ang isang tricycle at pickup  sa naganap na trahedya sa kahabaan ng highway ng Paranas, Samar kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina 2nd Lt. Charlie Cabanog, Staff Sergeant Crisostomo Gabuay, Staff Sergeant Sherwin Antonio at Staff Sergeant Rommel Ombrog, pawang ng Army’s 8th Infantry Division (ID).

Isinugod naman sa Samar Provincial Hospital ang mga nasugatang sina Lt. Colonel Edgar Allan Orbito, Private Matt Raymond Barrantes at Sgt. Nixon Abadiano; pawang lulan ng kulay abong Toyota Hilux-pickup (TO962); Warren Dabet, tricycle driver; mga estudyanteng sakay nito na sina Janica Obidos Baco, Jella Bacay Baccol at Sheryl Sayasa Maurillo.

Inaresto naman ng mga otoridad ang mga suspects na sina Elvin Brillantes, 44, driver ng wing van at helper nitong si Alex Dubria.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 8, naganap ang malagim na trahedya sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Apolonia, Paranas, Samar.

Sa imbestigasyon kasalukuyang minamaneho ni Brillantes ang win van truck (UVZ-951) kasama ang helper nito sa kahabaan ng national road ga­ling sa Hinaba­ngan, Samar patungong Catbalogan City, Samar nang aksidenteng suwagin ang tricycle (HB 9944) na minamaneho ni Dabuet sakay ang mga estudyante.

Matapos suwagin ang tricycle ay nagmaniobra pa ang wing van sa kabilang direksyon at nakabanggaan naman ang pickup na sinasakyan ng mga sundalo.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malulubhang sugat ang mga sundalo na namatay noon din.

ROAD MISHAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with