Kinilala ang biktima na si Albert Jerome Carceler Misajon, magsasaka, dating aktibong NPA na nagbalikloob sa pamahalaan at residente ng Brgy. Magara, Roxas, Palawan.
Ex-NPA member itinumba ng mga dating kasama
Joy Cantos (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 29-anyos na mister na dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang pinagbabaril ng tatlong lalaki na pinaniniwalaang mga dati nitong kasama sa komunistang kilusan naganap kamakalawa sa loob ng isang eskuwelahan sa Roxas, Palawan.

Kinilala ang biktima na si Albert Jerome Carceler Misajon, magsasaka, dating aktibong NPA na nagbalikloob sa pamahalaan at residente ng Brgy. Magara, Roxas, Palawan.

Sa ulat, sinabi ni MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Police Spokesman Police Lt. Col. Socrates Faltado, nangyari ang krimen sa loob ng Capalan Elementary School campus sa Sitio Capalan, Brgy. Magara, Roxas ng lalawigan bandang alas-7:30 ng umaga.

Ang biktima ay lulan ng motorsiklo na inihatid ang kaniyang live-in partner nang harangin ng tatlong armadong suspect na naghihintay sa waiting shed sa harapan ng eskuwelahan.

Nang makita ng biktima ang tatlong suspek ay kumaripas ito ng takbo papasok sa eskuwelahan upang magtago pero sinundan ito ng mga salarin saka niratrat sa harapan ng mga nahintakutang estudyante at guro.

NEW PEOPLES ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with