Bukidnon nilindol: 3 sugatan
Napinsala ang Esther Hospital na matatagpuan sa Sayre Highway, Barangay Lumbo, Valencia City na nagtamo ng mga bitak sa dingding bunsod upang ilikas ang mga pasyente rito.
Bukidnon nilindol: 3 sugatan
Angie dela Cruz, Joy Cantos (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasugatan ang tatlong katao nang yanigin ng 5.9 magnitude ng lindol ang lalawigan ng Bukidnon habang napinsala rin ang mga gusali at iba pang istraktura, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Emilda Acma, 54, at Lolita Guiren, 54; pawang residente ng Camp 1, Maramag at Andresa Polon ng Barangay Matambay, Kadingilan ng lalawigang ito.

Napinsala ang Esther Hospital na matatagpuan sa Sayre Highway, Barangay Lumbo, Valencia City na nagtamo ng mga bitak sa dingding bunsod upang ilikas ang mga pasyente rito.

Iniulat din ang pagkapinsala ng dalawang bahay sa Brgy. Tugaya at Brgy. Laligan gayundin ang Lumbo Elementary School at Tongan-Tongan Elementary School.

Habang sa bayan ng Maramag, anim na kabahayan ang napinsala at isang gasoline station. Samantalang sa bayan ng  Don Carlos ay napinsala rin ang Simbulan Hospital at Pahilan Hospital.

Sa bayan ng Kadingilan, nagkaroon ng bitak ang himpilan ng pulisya habang iniulat din ang pinsala sa barangay hall sa Poblacion, municipal hall, Sr. San Isidro Parish Church at ang health center sa Brgy. Kibogtok.

EMILDA ACMA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with