Trike sinalpok ng trak: 4 utas
Victor Martin (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang apat na katao na sakay ng tricyle matapos na sila ay masalpok ng isang forward truck kamakalawa sa bayan ng Cabatuan, Isabela.

Nasawi sa lugar ng pinangyarihan ang tricyle driver na si Wilson Guil­lermo, 56, residente ng Barangay Sampaloc, Cabatuan, Isabela.

Habang idineklarang dead-on-arrival sa ospital sina Jerry Yu, 61, ng Barangay 3, San Mateo;  Juanita Iglesia, 69, ng Burgos, Ramon; at Jalhen Acosta, 19, estudyante, ng Barangay Del Pilar, Cabatuan.

Tumakas naman ang driver ng forward truck na suspek na si Marvin de Guzman, 35, ng San Pedro, Mallig, Isabela matapos salpukin ang tricycle.

Sa imbestigasyon ng Cabatuan-PNP, alas-3:00 ng hapon ay binabaybay ng tricycle ang national highway ng Brgy. Del Pilar nang mag-overtake umano ang forward truck (CAC-7818) kaya’t nasalpok ang tricycle.

Nanawagan ang mga kamag-anak ng biktima sa suspek na sumuko na lamang sa pulisya at harapin ang kaso.

WILSON GUIL­LERMO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with