Mister tinodas ng ex-lover ng ka-live in
Mer Layson (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang lalaki nang ito ay saksakin ng dating lover ng kanyang kinakasama kahapon ng umaga sa Antipolo City, Rizal.

Ang nasawi dahil sa tama ng saksak sa dibdib at sikmura ay nakilalang si Ronel Walo, nasa hustong gulang.

Ang suspek na nakatakas ay nakilalang si Rommel Pesante, nasa hustong gulang at umano’y dating lover ng kinakasama ng biktima.

Sa ulat ng Antipolo City Police, alas-8:10 ng umaga ay hinihintay ng biktima ang hindi pinangalanang ka-live-in sa gilid ng kalsada sa Sitio Epheta, Barangay San Isidro, Antipolo City nang biglang lapitan ng suspek at walang sabi-sabing pinag-uundayan ng saksak sa dibdib at tiyan.

Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.

Hinala ng pulisya na selos ang motibo ng pamamaslang ng suspek sa biktima.

RONEL WALO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with