^

Police Metro

Ginang pinatay ng ‘akyat bahay’

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang ginang ang natagpuang patay sa ibabaw ng kanyang kama na pawang nakagapos ang mga kamay at paa kahapon ng umaga sa Brgy. Castanos Cerca, Gen Emilio Aguinaldo, Cavite.

Ang biktima na pinaniniwalaang pinatay sa sakal ay nakilalang si Lorena Causapin, nasa hustong gulang, residente ng  Paradahan St., ng nasabing barangay.

Sa ulat, alas-8:30 ng umaga nang dumating sa bahay ang pamangkin ng biktima na si Mae Obias at dito ay nadiskubreng patay ang tiyahin na may busal ang bibig.

Hinala ng pulisya na pagnanakaw ang motibo ng pamamaslang dahil sa nawawala ang pera ng biktima na mahigit P100,000 nang ito ay puwersahang pasukin ng hindi pa kilalang mga suspek.

LORENA CAUSAPIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with