Sa salaysay ng anak ng biktima na si Angeles Terania sa pulisya, na hapon ng linggo ay iniwan niya ang kanyang ina dahil sa pupunta sa simbahan.
75-anyos lola sinaksak ng 16X
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - November 19, 2019 - 12:00am

Napagkamalang aswang...

MANILA, Philippines — Isang 75-anyos na lola ang natagpuang patay matapos na ito ay pagsasaksakin ng hindi pa kilalang suspek, naganap kamakalawa ng gabi sa Sitio Natutungan, Brgy. Bagumbayan, Magpet, North Cotabato.

Ang biktima ay nasawi dahil sa tinamong 16 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Victoria Saavedra, biyuda, residente ng Brgy. Santo Niño, Arakan, North Cotabato.

Sa salaysay ng anak ng biktima na si Angeles Terania sa pulisya, na hapon ng linggo ay iniwan niya ang kanyang ina dahil sa pupunta sa simbahan.

Pasado alas-10:00 ng gabi nang balikan ang ina ay nakita niyang naliligo na ito sa sariling dugo at isa nang patay.

Sa pagsisiyasat ng pulisya na pinagdududahan ng mga residente sa lugar na ang biktima ay isang aswang kaya’t ito ay pinatay ng hindi pa kilalang suspek gayung ito umano ay may sakit sa pag-iisip.

Mayroon nang person of interest ang pulisya.

PAGSASAKSAKIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with