Nabatid na nilagdaan ni Gamboa ang dismissal order nina Police Majors Emer­son Sales at Rolly Caraggayan; pawang AWOL (Absent Without Official Leave) at Angel Beros na aktibo pa sa serbisyo.
3 police major sinibak sa serbisyo
Joy Cantos (Pang-masa) - November 19, 2019 - 12:00am

Nangotong sa bidders ng body cam...

MANILA, Philippines — Sinibak kahapon sa serbisyo ni Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa ang sa tatlong opisyal ng pulisya na nasangkot sa pango­ngotong sa mga bidders kaugnay ng pagbili ng P334-M halaga ng mga body cameras na gagamitin partikular sa drug war at maging sa iba pang mga sensitibong  operasyon.

Nabatid na nilagdaan ni Gamboa ang dismissal order nina Police Majors Emer­son Sales at Rolly Caraggayan; pawang AWOL (Absent Without Official Leave) at Angel Beros na aktibo pa sa serbisyo.

Inihayag ni Gamboa na ang pagkakasangkot sa ilegal na aktibidades ng nasabing mga opisyal ay ini-expose ng isang talunang bidders.

Sinabi ni Gamboa na nadiskubre niya bilang Chairman ng PNP Bids and Awards Committee ang nasabing irregularidad matapos na magreklamo sa kanya ang isa sa walong bidders na nadiskuwalipika.

Ang nasabing bidder ay pinagbayad umano ng inisyal na P5-M ng nasabing mga pulis na miyembro ng Technical Working Group (TWG) pero sa kabila nito ay nadiskuwalipika ang ini­aalok nilang produkto.

ARCHIE GAMBOA BODY CAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with