^

Police Metro

Trader ng ukay-ukay, 2 estudyante huli sa drug ops

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiklo sa mga otoridad ang isang trader ng ukay-ukay at dalawang magkaklaseng binatilyo kasunod ng inilatag na buy-bust operation sa lungsod na ito at Claveria, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni City Chief of Police Lt Colonel George Cablarda ang nadakip na trader na si Pol Carlo Ruiz, 29, matapos tanggapin ang buy-bust money mula sa isang undercover agent sa harap ng Primark Town Center sa Barangay Centro 6.

Ayon kay Cablarda nagbenta si Ruiz ng isang sachet ng shabu.

Sinisiyasat ng mga imbestigador ang umano’y pag-aangkat ng droga ni Ruiz sa pamamagitan ng mga ipinapasok nitong bulto ng ukay-ukay sa lungsod mula Metro Manila.

Sa bayan ng Claveria, tiklo ang dalawang Grade 9 students nang bentahan ng dalawang sachets ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isang poseur buyer sa hindi na tinukoy nilang paaralan dakong tanghali.

Pinag-aaralan ng otoridad ang pagsasai­lalim sa drug testing ang iba pang kamag-aral ng mga natimbog na bata.

vuukle comment

DRUG OPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with