Sundalo patay sa pagsabog ng IED
Joy Cantos (Pang-masa) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang sundalo ang nasawi matapos masabugan ng ekspolosibo na itinanim umano ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy. Dasawao, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Corporal Rex Sadava, miyembro ng Bravo Company ng Army’s 57th Infantry Battalion (IB).

Batay sa ulat, dakong alas-4:20 ng hapon nang mangyari ang insidente habang nagsasagawa ng combat clearing operation ang tropa ng militar sa magubat na bahagi ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang sumabog ang bomba na sumapul sa kaliwang binti ng paa ni Sadava.

Agad na isinugod sa military hospital ang nasabing sundalo na pinutulan ng kaliwang binti bunga ng insidente matapos itong malasog sa pagsabog ng bomba na kalaunay binawian din ng buhay.

Pinaniniwalaang ang mga teroristang BIFF ang nagtanim ng improvised explosive device (IED).

Nagpapatuloy naman ang pinalakas na opensiba ng tropa ng militar laban sa mga teroristang BIFF na namumugad sa Central Mindanao.

BIFF IED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with