^

Police Metro

Tandem na holdaper sumemplang, 1 dakma

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang notoryus na holdaper habang nakatakas ang kanyang kasamahan makaraang sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa pagmamadaling makatakas sa mga pulis matapos na holdapin ang isang babaeng service crew, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Himas-rehas ang suspek na si Jeffrey Santillan, 25, binata, nakatira sa Blk 32 Lt 46 Phase 2 Area 2, Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, mag-isang naglalakad sa may kanto ng C-4 Road at Sabalo St. sa Brgy. 8, Caloocan ang biktimang si Jessica Bergantin, 22, fastood crew, residente ng Brgy. Potrero, Malabon dakong alas-3:30 ng madaling araw nang pumara sa kanyang tapat ang isang motorsiklo lulan ang mga suspek na nagdeklara ng holdap.

Tinangay ng mga suspek ang cellular phone na may halagang P7,000 at pera na aabot sa P5,000 na bahagi ng suweldo ng biktima.

Nang tumakas ang mga suspek, nagsisigaw na ng saklolo ang biktima na narinig ng mga tauhan ng Caloocan City Police na nagsasagawa ng patrulya sa lugar. Agad na hinabol ng mga pulis ang mga suspek patungo sa direksyon ng Monumento. Nang makita ng mga suspek ang paparating na pulis, nataranta ang nagmamaneho kaya sumemplang sila.

Nadakip ng mga pulis ang angkas ng motor na si Santillan habang nakatakas ang kanyang kasama na nagawa siyang iwanan. Narekober kay Santillan ang cellphone at perang tinangay sa biktima.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with