QC Business Center, bukas na sa Lunes
Angie dela Cruz (Pang-masa) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula sa Nobyembre 18 (Lunes), maaari nang makipag-transaksiyon ang publiko sa mall para magbayad ng buwis at kumuha ng business permit sa QC government.

Ito ay makaraang pangunahan kahapon ni QC Mayor Joy Belmonte ang inagurasyon sa QC Business Center na matatagpuan sa Robinson’s Novaliches Mall sa Novaliches QC.

“This is in line with our administration’s thrust to make it more convenient and comfortable for our constituents to transact business with City Hall” pahayag ni Belmonte.

Sinabi ni Belmonte na sa pamamagitan ng naturang center ay hindi na mapapagod sa mahabang pila ang mga taga-Novaliches para makipag-transaksiyon sa QC hall.

Ang center ay magkakaloob ng serbisyo mula sa tanggapan ng Treasu­rers Office at ng Business Permit and Licensing Department (BPLD).

Ayon pa kay Belmonte, ipapagamit din ng naturang mall ang kalapit nilang vacant space para tahasang makapagbigay ng full service ang Business Center.

Una rito, binuksan na rin ang QC Memorial Circle para makapamili ang publiko dito ng sariwang mga gulay at prutas sa murang halaga lamang.

QC BUSINESS CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with