DTI-BPS: Tangkilikin ang LPG tank na may PS at ICC
MANILA, Philippines — Bumili lamang ng liquefied petroleum gas (LPG) tank na may marka ng Philippine Standard (PS) at Import Commodity Clearance (ICC) upang maiwasan ang anumang panganib sa buhay.
Ito ang naging panawagan ng Department of Trade and Industry-Bureau of Philippine Standards (BPS) sa publiko, partikular na ang mga may-ari ng karinderya at restaurant na tangkilin ito na bahagi ng programa kaugnay sa standards enforcement campaign at market monitoring laban sa nagkalat na pekeng LPG tank na labis na nakakaapekto sa mga lehitimong manufacturers na certified ng DTI-BPS.
Kabilang sa mga lehitimong distributor ng LPG tank (cylinders) na Shine Gaz para sa household use ay binigyan ng certificate at license mula sa Bureau of Philippine Standards sa pamumuno ni Director James E. Empeno.
Ang Shine Gaz ay may iba’t ibang timbang mula sa 1 kilogram; 2.7 kilogram, 5 kilogram; at 11 kilogram na inaprubahan ng DTI-BPS na balido hanggang Pebrero 15, 2022 kung saan nakamarka sa bawa’t tangke.
Ang Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) na isa sa enforcement arm ng DTI-BPS ay nagsasagawa ng surveillance at monitoring upang bantayan ang mga nagpapakalat ng murang LPG tank o cylinder kung sumusunod sa fair trade laws (FTLs) ang mga negosyo gayundin sa mga batas na pinaiiral bilang suporta sa Bureau of Philippine Standards (BPS).
- Latest