^

Police Metro

2 NPA rebels todas, 4 sugatan sa sagupaan

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa
2 NPA rebels todas, 4 sugatan sa sagupaan
Ang 4 na nasugatang rebelde ay sina Liezel Labo, alyas “Nido”; Carlos Aguilar, alyas “Badong”; Danilo Sagun, ng Brgy. Estrella, Rizal NE; at Redsa Balatan, alyas “Sining”.
Joven Cagande/File

MANILA, Philippines — Napatay ang dalawang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA), habang apat nilang kasamahan ang nasugatan nang makaengkuwentro ang tropa ng Philippine Army kamakalawa sa Purok Buldozer, Barangay Estrella, Rizal, Nueva Ecija.

Kinilala ang dalawang napatay na rebelde na sina Michael Pagkaliwanagan, alyas Allan Ledesma at isang alyas Miguel.

Ang 4 na nasugatang rebelde ay sina Liezel Labo, alyas “Nido”; Carlos Aguilar, alyas “Badong”; Danilo Sagun, ng Brgy. Estrella, Rizal NE; at Redsa Balatan, alyas “Sining”.

Sa ulat, bago nangyari ang sagupaan, alas-2:30 ng hapon ay nakatanggap ng tawag ang 84th Infantry Battalion sa pamumuno ni 1st Lt Justin Paul Chavez mula sa mga residente na nangingikil umano ng revolutionary tax ang armadong kala­lakihan sa lugar.

Kaagad na rumesponde ang mga sundalo at dito ay nagkaroon ng sagupaan at napatay ang dalawang rebelde, pagkasugat ng apat nilang kasama at naaresto ang isang Ernesto Quimzon, 42, ng Brgy. Vega, Bongabon, Nueva Ecija.

Nasamsam ng mga sundalo ang 2 M16 Colt Baby Armalite rifle; 3 cal. 45 ARMSCOR; 15 long magazine ng M16 rifle na may lamang mga bala; 1 granada; 14 na iba’t ibang cellphone sim card; USB; 1 Samsung tablet; 2 handheld radio; at sari-saring subersibong dokumento.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with