Batay sa ulat, bago na­ganap ang krimen, ng madaling araw ay galit na galit ang suspek nang komprontahin ang kanyang misis dahil sa hindi nito pag-uwi sa kanilang bahay at sa halip ay umuwi ito sa bahay ng kanyang mga magulang sa San Mariano.
OFW na misis ginilitan ng babaerong mister
Raymund Catindig (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi matanggap ng isang baba­e­rong mister ang pakiki­paghiwalay ng kan­yang misis na Pinay worker sa Saudi Arabia na kakauwi lang kaya’t ginilitan niya ito matapos ang mainitang pagtatalo, naganap kahapon sa Sitio Caddag, Brgy. Dipusu, San Ma­riano, Isabela.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Mylene Baingan, 30 nang gilitan sa leeg ng kanyang mister na si Melchor.

Batay sa ulat, bago na­ganap ang krimen, ng madaling araw ay galit na galit ang suspek nang komprontahin ang kanyang misis dahil sa hindi nito pag-uwi sa kanilang bahay at sa halip ay umuwi ito sa bahay ng kanyang mga magulang sa San Mariano.

Dito ay ipinagtapat ng ginang sa mister na nais na nitong makipaghiwalay dahil sa nilustay nito ang ipinadadalang pera na gagamitin sana sa pagpapatayo ng sarili nilang bahay at sa halip ay ginamit sa pam­bababae at pagsusugal.

Nagalit ang mister kung kaya’t kinuha nito ang dalang patalim at ginilitan sa leeg ang misis.

Sa pag-uwi ng ama ni Mylene ay nakita niya ang suspek na nagmamada­ling lumabas ng kuwarto at nakita ang anak na duguan sa kama at isa nang patay.

Isang manhunt operation ang isinasagawa ng pulisya laban sa suspek.

MYLENE BAINGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with