Sa ulat ni PNP- IMEG Director Police Colonel Oliver Ronald Lee, ala-6:36 ng gabi nang isagawa ang entrapment operation ng kanilang mga tauhan katuwang ang RID ng NCRPO sa pakikipagkoordinasyon sa Manila Police District (MPD) sa Baseco Police Community Precinct, Station 5 ng MPD.
4 pulis-Maynila dinakip sa kotong
Joy Cantos, Doris Franche-Borja (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasakote ng pinagsanib na elemento ng Philippine National Police-Integrity Monitoring Enforcement Group (PNP-IMEG) ang apat na pulis na miyembro ng Manila Police District sa isang entrapment ope­ration matapos na ireklamo ang mga ito nang pa­ngo­ngotong sa Maynila kama­kalawa ng gabi.

Ang mga nasakoteng pulis ay kinilalang sina P/Corporals Nickson Mina; Juan Carlo Guzman; Fran­cis Mikko Gagarin; at Patrolman Tom Hikilan na pawang mga beat patrol ng MPD-Station 5.

Sa ulat ni PNP- IMEG Director Police Colonel Oliver Ronald Lee, ala-6:36 ng gabi nang isagawa ang entrapment operation ng kanilang mga tauhan katuwang ang RID ng NCRPO sa pakikipagkoordinasyon sa Manila Police District (MPD) sa Baseco Police Community Precinct, Station 5 ng MPD.

Ang apat na suspek ay isinailalim sa surveillance operation matapos silang makatanggap ng reklamo sa isang Alaysa Panansang.

Dumulog si Panansang sa PNP-IMEG matapos mag-demand ng P500,000 sa kanya ang apat na pulis na naibaba sa P200,000 kapalit ng pagpapalaya sa kanyang mister na si Kelvie Kamid Panansang na inaresto noong Nobyembre 12 dahil sa droga.

Ang mga ito ay ina­resto sa aktong tumatanggap ng P 200,000.00 mula sa nagrereklamong si Alaysa.

Dinisarmahan ang na­turang mga parak ng inis­yu sa kanilang armas na cal 9 MM at nabawi rin ang ginamit na marked money sa operasyon at maging ang kanilang mga PNP ID’s.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-INTEGRITY MONITORING ENFORCEMENT GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with