Mahigit 3,000 pasahero stranded kay ‘Ramon’
Joy Cantos (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit 3,000 pasa­hero ang na-stranded sa mga pantalan sa Bicol Region at ilang bahagi ng Eastern Visayas sanhi ng masamang lagay ng panahon na dulot ng bagyong Ramon.

Sa report ng Office of Civil Defense (OCD) Region V at VIII, ang mga s­tranded na pasahero na aabot sa 3,406 ang bilang ay naitala sa mga pantalan ng Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Northern Samar at Western Samar.

Nasa 699 rolling cargoes, 18 vessels at 10 bangkang de motor naman ang hindi muna pinayagang makabiyahe dahilan sa ma­sungit na lagay ng panahon.

Nakataas ang signal No. 2 ang mga lalawigan ng Catanduanes habang signal No. 1 sa mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Eastern Samar at Northern Samar.

Ang bagyong Ramon ay huling namataan sa layong 355km sa silangang bahagi ng Legaspi City, Albay o 300 km sa Virac Catanduanes na taglay ang lakas ng hanging 65 kmh malapit sa gitna at aabot sa 80km/h ang pabugsu -bugso ng hangin na patungo sa West Northwest sa bilis na 10km/ph.

BAGYONG RAMON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with