Sa ulat, bago nangyari ang krimen, alas-10:30 ng umaga sa kahabaan ng highway ng Sitio Na­pac-an, Brgy. Kalumbo­yan, Bayawan City ay lulan ng motorsiklo ang magpinsan at pauwi na sa kanilang bahay galing sa kalunsuran ng Bayawan.
Magpinsan na kagawad dinedo sa highway
Joy Cantos (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang magpinsan na barangay kagawad nang sila ay pagbabarilin ng ri­ding in tan­dem suspects sa kahabaan ng highway ng Sitio Na­pac-an, Brgy. Kalumboyan, Bayawan City, Negros Oriental  kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Felipe Semillano Condez Jr., 60; at Jonesis Juanitez Condez, 31, may-asawa; pawang kagawad sa Brgy. Kalamtukan ng lungsod na ito.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen, alas-10:30 ng umaga sa kahabaan ng highway ng Sitio Na­pac-an, Brgy. Kalumbo­yan, Bayawan City ay lulan ng motorsiklo ang magpinsan at pauwi na sa kanilang bahay galing sa kalunsuran ng Bayawan.

Sinundan sila ng mga suspek na sakay ng motorsiklo at pagtapat sa mga biktima ay agad na pinagbabaril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Kapwa duguang bu­mag­sak mula sa sinasakyan ng mga itong motorsiklo na pawang agad binawian ng buhay sa insidente.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa mala­mang destinasyon.

RI­DING IN TAN­DEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with