Power rate hikes bantayan
Aniya, nagsagawa ng tatlong bidding o CSPs ang power firm dahil kontralado nila ito, at ang ipinataw na ‘terms’ ay kawalan sa ‘bidders’, maliban sa Atimonan 1 na pag-aaring kompanya nito.
Power rate hikes bantayan
(Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hiniling ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares sa publiko na maging ‘vigilant’ sa gagawing  competitive selection process (CSPs) upang mabantayan ang ‘power rate hikes’ na maaaring pa­sanin ng mga konsyu­mer sa loob ng 20 taon.

Kaya’t hiniling nila sa pamunuan ng Department of Energy (DOE) na mamagitan at isantabi ang “one sided bidding terms” na  ipinataw ng power firm at tiyakin na maraming makasasaling  ‘bidders’ na makapag-aalok ng mababang halaga o abot-kayang halaga ng enerhiya.

Aniya, nagsagawa ng tatlong bidding o CSPs ang power firm dahil kontralado nila ito, at ang ipinataw na ‘terms’ ay kawalan sa ‘bidders’, maliban sa Atimonan 1 na pag-aaring kompanya nito.

Binigyang diin ni Colmenares na ang problema sa ikatlong ‘bid’ para sa  1,200 megawatts twenty year contract ay ang  sa Atimonan I lamang ang nakapagsumite dahil sa mga napakaimposibleng mga ipinataw na kondis­yon sa ibang ‘bidders.’

NERI COLMENARES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with