^

Police Metro

Mag-asawa, 2-anyos anak patay sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa
Mag-asawa, 2-anyos anak patay sa sunog
Sa report ng Olongapo City Fire Marshal, dakong alas-6:15 ng umaga nang magsimula ang sunog sa Auto Parts Shop na pag-aari ni Florencio Cureg sa unang palapag ng gusali na matatagpuan sa kahabaan ng Eizal Ave­nue, Brgy. West Bajac-Bajac ng lungsod.

MANILA, Philippines — Isang mag-asawa at 2-anyos nilang anak na babae ang nasawi makaraang makulong ng apoy sa loob ng isang nasusunog na gusali sa Brgy. West Bajac Bajac, Olongapo City, Zambales kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Marian Pa­nganiban, 25; mister nitong si Ricardo Panganiban, 27; at 2-anyos nilang anak na si Aira Panganiban.

Nabigong makalabas ng gusali ang mag-anak dahilan sa masyado ng mala­ki ang apoy na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Sa report ng Olongapo City Fire Marshal, dakong alas-6:15 ng umaga nang magsimula ang sunog sa Auto Parts Shop na pag-aari ni Florencio Cureg sa unang palapag ng gusali na matatagpuan sa kahabaan ng Eizal Ave­nue, Brgy. West Bajac-Bajac ng lungsod.

Mabilis na kumalat sa buong gusali ang apoy kung saan na-trap ang mag-anak sa isa sa mga kuwarto dito.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog at pasado alas-9:00 na ng umaga nang maa­pula at nakita ang bangkay ng tatlo sa isinagawang clea­ring operation.

vuukle comment

MARIAN PA­NGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with