Robredo, US officials nagpulong sa drug problem
MANILA, Philippines — Nakipagpulong kahapon si Vice President Leni Robredo sa mga opisyal ng United States at tinalakay kung papaano mababawasan ng dalawang bansa ang demand sa ilegal na droga sa bansa.
Hiniling ni Robredo ang naturang pulong sa pagitan ng mga US officials bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Dumalo sa naturang meeting ang ilang representante ng US Federal Bureau of Investigation, Drug Enforcement Agency, Department of State, at United States Agency for International Development.
Ayon sa US Embassy, nagbigay ang mga US officials ng briefing kaugnay sa US-Philippines counter-narcotics cooperation at potential US-funded programs.
Sa pakikipagpulong ni Robredo sa mga US officials ay tinalakay ang pangangailangan ng bansa sa malinaw na baseline data sa sitwasyon ng illegal na droga at ang posibilidad ng pag-aamyenda sa Comprehensive Drugs Act upang higit itong maging epektibo.
Inihayag naman ni PNP Officer in Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa na makikipagpulong ang PNP kay Robredo.
- Latest