^

Police Metro

Selective martial law sa Mindanao

Joy Cantos - Pang-masa
Selective martial law sa Mindanao
Ayon kina PNP Officer in Charge Police Lt. Archie Gamboa at AFP Chief of Staff Gen. Noel Clement, gumaganda na ang sitwasyon ng seguridad sa ilang mga piling lugar sa Mindanao at hindi na ito kailangang ipatupad pa sa buong Kamindanawan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Kung ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tatanu­ngin ay panatilihin pa rin ang martial lawpero dapat lamang itong palawigin sa ilang mga piling lugar na may nagaganap na terorismo sa rehiyon ng Mindanao.

Ayon kina PNP Officer in Charge Police Lt. Archie Gamboa at AFP Chief of Staff  Gen. Noel Clement, gumaganda na ang sitwasyon ng seguridad sa ilang mga piling lugar sa Mindanao at hindi na ito kailangang ipatupad pa sa buong Kamindanawan.

Ang martial law sa buong rehiyon ng Mindanao ay nakatakda nang magtapos sa Disyembre 31 ng taong ito kung saan nais na ng ilang mga security officials na alisin na ang martial law na umiiral sa buong rehiyon.

Hindi naman direktang tinukoy ni Gamboa kung ano pa ang mga problemadong lugar sa Mindanao pero kabilang dito ayon sa iba pang security officials ay ang Basilan, Sulu at iba pang bahagi ng Central Mindanao.

Sa lalawigan ng Sulu, karaniwan ng tinatarget ng mga suicide bombers ng mga terorista ang mga kampo ng militar.

Ang martial law ay idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao Region matapos maglunsad ng siege ang Maute – Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) noong Mayo 23, 2017 na ang krisis ay tumagal ng limang buwan.

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with