^

Police Metro

Magpinsang babae kinatay

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng magpinsang babae nang abangan at pagtatagain ng hindi nakilalang suspek habang lulan ng kanilang motorsiklo sa Brgy. San Isidro, Castilla, Sorsogon kamakalawa.

Magkahiwalay na bu­mu­lagta sa kalsada ang magpinsang Joana Doctor Gonzales, 34; at Jolina Gonzales Jesalva, 17, saleslady, pawang residente ng nasabing barangay.

Wala namang nakaki­lala sa suspek na tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.

Sa ulat, alas-9:30 ng umaga ay lulan ng ka­nilang motorsiklo ang magpinsan patungong bayan nang abangan ng suspek na armado ng itak.

Bago pa nakaiwas ang mga biktima ay pinagtataga na sila ng suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Duguang bumagsak sa kalsada si Jolina habang kahit sugatan ay nagawa pa sanang makatakbo ni Joana pero hinabol siya ng suspek at saka pinagtataga hanggang mamatay.

Rumesponde ang mga pulis pero hindi na nila ina­butan ang suspek.

vuukle comment

PAGTATAGAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with