Sa ulat, pasado alas-5:00 ng hapon nang tambangan ng tinatayang 50 armadong rebelde ang tatlong platoon ng tropa ng militar habang bumabagtas ang convoy ng mga ito sa Sitio Bangon, Brgy. Pinana-an, Borongan City ng lalawigan.
Interaksyon/File
6 sundalo todas, 20 sugatan sa NPA ambush
Joy Cantos (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang anim na sundalo habang 20 sundalo ang nasugatan sa naganap na ambush ng New Peoples Army (NPA), kamakalawa sa Brgy. Pinanag-an, Borongan City, Eastern Samar.

Ang mga nasawing sundalo ay kinilalang sina Sgt. Rex Jadulco; Corporal Ronaldo Go; Captain Limar Bagnug; Pfc. Kent Loyd Agullo; Private Charlie del Rosario; at Pfc. Junmar Buranday.

Ang mga nasugatang sundalo na dinala sa ospital ay nakilalang sina Sgt. Kenneth John Arcina; Sgt. Cyril Baja; Sgt. Rando Soria; Pfc Albert Abegonia; Pfc Dranreb Gealon; Pfc Riel Bilason; Pfc. Gilbert Renegado; Pfc. Rex Batis Jr.; Pvt. Roger Ditche; Pfc Jerwin Omrob, Pvt. Darwin Aborquez, Pvt. Joshua Pacuan; at Pfc. Denmark Gonsaza; pawang nakatalaga sa Charlie Company ng Army’s 14th Infantry Battalion (IB).

Ang iba pang mga sugatan ay sina Sgt. Marlon Orsal; Corporal Dominador Antonio Jr.; Corporal Aljon Aguillos; Cpl. Linilito Donayre; Pfc. Mark Geric de Leon; Pfc. Rene Abuda; at Private Jayson Beros; pawang mula sa Alpha Company ng 14th IB.

Sa ulat, pasado alas-5:00 ng hapon nang tambangan ng tinatayang 50 armadong rebelde ang tatlong platoon ng tropa ng militar habang bumabagtas ang convoy ng mga ito sa Sitio Bangon, Brgy. Pinana-an, Borongan City ng lalawigan.

Nabatd na pinasabugan ng anim na landmine ng mga rebeldeng NPA ang convoy ng tropa ng mga sundalo saka pinaulanan ng bala.

Sa kabila ng sorpresang pag-atake ay gumanti ng putok ang mga sundalo na nauwi sa bakbakan ng magkabilang panig na tumagal ng ilang minuto bago nagsiatras ang mga rebelde na inabandona ang napatay nilang kasamahan.

Kasalukuyan pang ina­alam ang pagkakakilanlan ng nasawing rebelde na iniwan ng mga nagsitakas nitong mga kasama pabalik sa direksyon ng pinagkukutaan ng mga ito sa kagubatan.

NEW PEOPLES ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with