PNP ayaw na rin mapalawig ang martial law sa Mindanao
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac sa ngayon maganda na ang peace and order situation sa Mindanao at suportado ng PNP ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maari nang tanggalin ang martial law sa Mindanao.
PNP ayaw na rin mapalawig ang martial law sa Mindanao
Joy Cantos (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na rin gusto ng Philippine National Police (PNP) na mapalawig pa ang umiiral na martial law sa Mindanao na magtatapos sa Disyembre 31 ng taong ito.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac sa ngayon maganda na ang peace and order situation sa Mindanao at suportado ng PNP ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maari nang tanggalin ang martial law sa Mindanao.

“Napakaganda na ng peace and order situation sa buong kapuluan ng Mindanao. Ang hinihintay na lamang natin ay dumating ang buwan ng Disyembre para tayo’y makapagbigay na rin ng opisyal na rekomendasyon,” pahayag ng opis­yal.

Kamakalawa ay sinabi ni Lorenzana na maaring hindi na niya irekomenda pa ang pagpapalawig ng martial law at mas makabubuti na magpasa ang Kongreso ng mas pinaigting na Human Security Act para sa law enforcement.

Samantalang ang alert level sa ibang lugar tulad ng Sulu ay mananatili sa heightened alert dahilan sa presensya ng mga lokal na terror groups.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with