Magugunita na si Pa­ngulong Duterte ang namagitan sa term-sharing deal sa pagitan nina Rep. Cayetano at Rep. Velasco.
Simeon Celi Jr./Presidential Photo
Duterte ipinaubaya sa mga solon ang speakership term sharing agreement
Rudy Andal (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa mga kongresista na ang desisyon kung itutuloy pa nila ang term-sharing agreement sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Ca­yetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

“Nasa inyo na ‘yan (It’s up to you) if the parties would honor. I’m not forcing anybody to take a stand. It’s your choice because the agreement and the choice is yours. Cause you can make or unmake the Speaker,” wika ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe kamakalawa ng gabi sa joint birthday celebration nina Rep. Velasco at maybahay nitong si Wen.

Magugunita na si Pa­ngulong Duterte ang namagitan sa term-sharing deal sa pagitan nina Rep. Cayetano at Rep. Velasco.

Sa ilalim ng term-sha­ring agreement ay unang magsisilbi si Cayetano bilang speaker sa loob ng 15 buwan habang si Velasco naman ang susunod sa natitirang 21 buwan.

Ilang kaalyado ni Ca­yetano ang nagpalutang na hindi na dapat ituloy ang term-sharing agreement at ipaubaya na lamang ni Velasco ang speakership kay Cayetano.

Siniguro naman ni Ca­yetano kay Velasco na tuloy ang kanilang term-sharing at walang dapat ipag-alala si Velasco sa kanilang kasunduan.

LORD ALLAN VELASCO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with