^

Police Metro

Dalagitang buntis, binoga sa harap ng korte

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 16-anyos na dalagita na limang buwang buntis ang nasa kritikal na kondisyon nang ito ay pagbabarilin sa labas ng hall of justice ng riding-in- tandem, kahapon ng umaga sa Upper Carmen, Cagayan de Oro City.

Itinago ang biktima sa pangalang Debbie, ng Taguitic, Brgy. Kapatagan, Lanao del Norte na patuloy na isinasalba ang buhay sa Borja General City Hospital sa tinamong tama ng bala sa leeg na naglagos sa kaniyang mukha.

Sa ulat, ng pulisya, bago nangyari ang krimen alas-9:20 ng umaga ay dumalo ang biktima kasama ang ina sa korte sa Regional Trial Court (RTC) Branch  Branch 22  sa reklamo nitong Act of Lasciviousness kaugnay ng paglabag sa Republic Act (RA) 7610 na isinampa ng dalagita sa isang lalaki.

Habang naghihintay ng masasakyan sa harap ng Hall of Justice, Mastersons Avenue highway, Upper Carmen,  Cagayan de Oro ay huminto sa kanilang harapan ang isang Honda XRM 125  na magkahalong itim at pula ang kulay na walang plaka.

Bigla na lamang pinuntirya ng pamamaril ng mga suspek ang dalagita sa mukha.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa kasong isinampa ng biktima laban sa lalaking nambastos sa kaniya ang pamamaril dito.

vuukle comment

RIDING-IN- TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with