Anya, simula nang tanggapin ni Robredo ang appointment bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs ay puro pa-interview na lang sa media ang ginagawa nito.
Boy Santos
Robredo pinag-iingat sa drug lords
Gemma Garcia (Pang-masa) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ni House Speaker Alan Peter Ca­yetano si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga ginagawang hakbang ukol sa giyera laban sa droga dahil nagmamasid ang mga drug lord.

Ito ang naging apela ni Cayetano dahil sa pagbibigay ng kung anu-anong mga pahayag ni Robredo sa media na dapat ay magtrabaho na lamang ito muna.

Anya, simula nang tanggapin ni Robredo ang appointment bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs ay puro pa-interview na lang sa media ang ginagawa nito.

Dapat ay private meetings sa kaukulang mga ahensya ang inaatupag ng bise presidente para malaman nito ang pasikot-sikot ng kanyang bagong trabaho.

“Wala pang briefing sa mga departamento ay kung ano-anong ideya at kritisismo na ang sinasabi nito”, wika ni Cayetano.

Pinayuhan nito si Rob­redo, dapat na manahimik muna ng isa o dalawang linggo at pangunahan ang gobyerno  laban sa anti-illegal drug campaigns.

Partikular na sinita ni Cayetano si Robredo na pag-upo pa lamang ay sinabing payagan ang UN at US na pumunta sa Pilipinas, pupuntahan ang US embassy, hihingi ng tips kay Sen. Ping Lacson at i-abolish ang Oplan Tokhang.

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with