Sinabi ni Gamboa na nadiskubre niya bilang chairman ng BAC na tatlo sa kanyang tao sa technical working group ay humihingi ng pera mula sa proponent kaya nangako siya sa kanyang mga mi­yembro na ipapasibak niya ang tatlong police Major kasabay ng pagsasailalim sa administrative proceedings.
3 police major na nangotong sa bidder, sinibak
Gemma Garcia (Pang-masa) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang isalang sa summary dismissal ang tatlong opisyal ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa umanoy pangongotong ng P5 milyon sa bidder ng body cameras na gagamitin sa drug war.

Ipinag-utos ni PNP Officer in Charge Lt. Gen. Archie Gamboa, ang pagsibak sa puwesto nina Maj. Emerson Sales at Maj. Rholly Caraggayan na nasa absent without official leave (AWOL) status at Maj. Angel Beros na aktibo sa serbisyo mula sa technical working group ng Bids and Awards Commitee (BAC) habang sumasailalim sila sa administrative proceedings.

Sinabi ni Gamboa na nadiskubre niya bilang chairman ng BAC na tatlo sa kanyang tao sa technical working group ay humihingi ng pera mula sa proponent kaya nangako siya sa kanyang mga mi­yembro na ipapasibak niya ang tatlong police Major kasabay ng pagsasailalim sa administrative proceedings.

Ang hatol sa tatlong opisyal ay ilalabas nga­yong buwang ito at posibleng maharap sa criminal charges kung sila ang itinuturo ng ebidensiya.

Ang umano’y iligal na aktibidad ng tatlong opisyal ay ibinunyag ng isang natalong bidders para sa pagbili ng body cameras.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with